Duguan ang mukha, sargo ang nguso, sarado ang magkabilang mata at masasakit ang buong katawan ng isang lalaki na umano’y isang “akyat bahay” matapos siyang kuyugin ng mga residente sa Navotas City, nitong Linggo ng tangghali.

Halos lantang gulay na nakaratay sa Jose Reyes Memorial Medical Center si Israel Rebbili, 27 anyos.

Kuwento ni Arnold Salazar, 42, barangay tanod, dakong 11:00 ng umaga at kakauwi lang niya nang pagpasok niya ay nakita sa loob ng kanyang bahay si Rebbili na tinangka niyang arestuhin pero nakatalon ito sa bintana.

“Nagsisigaw ako at nakatawag-pansin naman sa aking mga kapitbahay na nasa labas. Natapat na Linggo kaya maraming tao,” ani Salazar.

National

Ilang retiradong AFP at PNP officials, sumulat kay PBBM; inalmahan 2025 nat'l budget?

Hinabol ng mga tambay ang suspek at nang abutan ay pinagtulungang gulpihin hanggang sa tuluyang mawalan ng malay.

(Orly L. Barcala)