ariel-rivera-copy

EIGHT years din palang nag-work si Ariel Rivera sa GMA Network noon kaya excited siya nang muling mag-offer sa kanya na bumalik siya.

Sa kanyang pagbabalik-Kapuso, inalok si Ariel ng role sa afternoon prime drama na Hahamakin Ang Lahat na pagbibidahan ng love team nina Joyce Ching at Kristoffer Martin sa direksiyon ni LA Madridejos.

“Na-miss ko nang magtrabaho sa Kapuso Network kaya natuwa ako nang mag-offer sila sa akin ng panibagong project,” sabi ni Ariel. “Looking forward na akong makatrabaho muli iyong mga dati kong nakasama noon. I love it. Kasi kilala ko na ‘yang mga iyan. We’re very close friends din outside of work.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

“Like si Eula (Valdes), we’re good friends, palagi kaming magkasama kapag may free time. It’s nice kasi I missed working with them dahil sabi ko nga, sa eight years na nagtrabaho na ako rito, I made good friends kaya I’m looking forward na mag-start na ang taping ko ng soap,” sabi ni Ariel.

As of press time, ayaw pang sabihin ng GMA-7 kung ano ang role ni Ariel sa first time niyang pakikipagtrabaho kina Joyce at Kristoffer, na sabi’y iba naman ang role na gagampanan, that of a more mature role, kaya excited din sila na makasama ang mahuhusay na actor na tulad nina Eula at Ariel. (NORA CALDERON)