SAN LEONARDO, Nueva Ecija - Patay na nang idating sa pagamutan ang isang 42-anyos na pulis makaraan siyang patayin ng mga hindi nakilalang suspek sa Purok 1, Barangay San Anton sa bayang ito, nitong Huwebes ng gabi.

Sa ulat ng San Leonardo Police kay Nueva Ecija Police Provincial Office director Senior Supt. Manuel Estareja Cornel, kinilala ang biktimang si PO3 Michael Juan y Dela Cruz, may asawa, at intelligence operative ng San Leonardo Police.

Sa imbestigasyon ni SPO2 Napoleon Manabat, dakong 9:00 ng gabi nang mangyari ang insidente, na inaalam pa ang motibo.

(Light A. Nolasco)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog