Hindi na nakauwi sa bahay ang isang lalaki na dati umanong bilanggo matapos pagbabarilin ng dalawang ‘di pa nakikilalang suspek sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Limang tama ng bala ng baril ang ikinasawi ni Jonathan Flores, 25, umano’y miyembro ng ‘Sputnik’ gang, at residente ng Riverside, Katuparan, Vitas, Tondo, Maynila.

Sa pagsisiyasat ni SPO2 Charles John Duran, ng Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS) ng Manila Police District (MPD), nangyari ang krimen dakong 1:00 ng madaling araw sa ground floor ng Building 3, Katuparan, Vitas, Tondo, Maynila.

Naglalakad umano ang biktima sa nasabing lugar at pauwi na sana nang siya’y lapitan ng isa sa mga suspek at malapitang pinagbabaril, habang ang isa pang suspek ay nagsilbing lookout. (Mary Ann Santiago)

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University