BAGUIO CITY - Palaisipan ngayon sa pulisya ang brutal na pagpatay sa isang empleyado ng Baguio City Hall na nadatnan sa kanyang bahay na walang ulo, nitong Miyerkules ng hapon.

Nabatid kay Senior Supt. Ramil Saculles, acting director ng Baguio City Police Office, na pinapupunta nila ang pamilya ni Alfred Sabado Juquiana, 49, driver ng City Environment and Parks Management Office (CEPMO), sa himpilan ng Kayapa Municipal Police para beripikahin ang ulo ng tao na natagpuan ng pulisya nitong Martes.

Batay sa imbestigasyon, dakong 4:57 ng hapon nitong Miyerkules nang nakita ang biktima na naka-squat sa sahig ng inuupahan nito sa Upper Quezon Hill at walang ulo. (Rizaldy Comanda)

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder