BOSTON (AP) – Isusubasta sa Boston ngayong linggo ang isang liham ng physicist na si Albert Einstein para sa anak nitong si Eduard Einstein noong 1929.

Sa liham, sinabi ni Einstein na nangungulila siya sa anak, na magtatapos sa high school, at inimbitahan ito na bisitahin siya sa Easter. Ibinalita rin niya na nasagot na niya ang katanungan na buong buhay niyang pinag-iisipan.

Ito ay ang Unified Field Theory, isang pagtatangka ni Einstein na ipaliwanag ang gravity sa pamamagitan ng laws of electromagnetism.

Nilagdaan niya ang liham na, “Papa.”

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina