BATANGAS CITY - Tatlong sachet ng hinihinalang shabu ang nakuha umano sa isang bangkay na pinagbabaril sa Batangas City.

Kinilala ang biktimang si Elmer Rodriguez, 39, ng Sitio Ferry, Barangay Kumintang.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 11:30 ng gabi at nasa meat section ng lumang palengke sa Bgy. 22 si Rodriguez nang pagbabarilin siya ng hindi nakilalang suspek.

Dead on arrival sa Batangas Medical Center ang biktima, na nakuhanan ng shabu sa bulsa. (Lyka Manalo)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito