mark-at-grae-copy

NAAWA sa anak ni Mark Fernandez na si Grae Fernandez ang mga nakabasa sa kanyang tweet bilang suporta sa ama na nahulihan ng isang kilo ng marijuana at posibleng hindi makalabas sa pagkakakulong.

“No matter what people say about you, I will always be proud to be your son because you’re the best dad! #markanthonyfernandez,” tweet ng teenage star.

Ang daming magagandang comment na kung nababasa ni Grae, at sana pati ni Mark, makaisip itong ayusin ang kanyang buhay para sa mga anak.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Ayon sa mga nakakakilalang personal ay mabait na bata raw si Grae at consistent dahil hindi nagbabago ang pahayag na mabait ang ama niya at mahal nito ang pamilya.

Sa Instagram (IG) ni Grae ay may mga picture sila ni Mark at lagi niyang binabanggit ang, “My dad.” Puno rin ng mga comment na, “Stay strong” at “Kaya mo ‘yan.”

Pinasalamatan ni Grae ang message ng mom ni Kathryn Bernardo na, “You’re such a good son and I’m sure you’re parents are proud of you too! Take care of them esp. your mom.”

Anak ni Mark ang 14-year-old Star Magic at ABS-CBN talent na si Grae sa dati nitong asawang si Melissa Garcia. Hindi na siguro kailangang hingan ng pahayag si Melissa dahil matagal na silang hiwalay ni Mark.

As we go to press, hindi pa rin naiinterbyu si Alma Moreno dahil nang tawagan daw para mainterbyu, nag-beg off dahil naha-high blood.

Wala ring pahayag pa ang mga kapatid ni Mark na si Parañaque City Councilor Vandolph Quizon at si WynWyn Marquez.

(Nitz Miralles)