MONCADA, Tarlac - Sinundo ni “Kamatayan” ang isang driver ng motorsiklo at angkas nito matapos silang maaksidente sa highway ng Barangay San Juan sa bayang ito, Lunes ng madaling araw.

Kinilala ni PO1 Kenn Lester Lopez ang mga nasawi na sina Mario Gamurot, 33, driver ng motorsiklo (BS-0815), ng Bgy. Calamay; at Norwin Roda, 20, ng Bgy. Villa, Moncada, Tarlac.

Dakong 12:35 ng umaga at patungong norte ang motorsiklong minamaneho ni Gamurot nang biglang nawala ito sa kontrol hanggang sumalpok sa pader malapit sa San Juan Elementary School. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog