May nabukong bagong modus ng sindikato ng human trafficking ang Bureau of Immigrations (BI).

Isang lalaki ang inaresto ng Immigration officers (IO) sa Terminal 1 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong Oktubre 2, habang papasakay sa isang flight ng Thai Airways patungong Bangkok, kasama ang dalawang babaeng biktima.

Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na ang suspek na si Rexsan Naval Godala, 30, ay nagpakilalang professional boxing trainer at sinasamahan ang mga biktima, na nagkunwari namang mga boksingero at nakasuot pa ng jersey shirts na may logo ng bandila ng Pilipinas.

Kalaunan ay umamin ang dalawang hindi pinangalanang biktima na pagdating nila sa Bangkok ay muli silang lilipad patungong Dubai, United Arab Emirates kung saan sila ay magtatrabaho bilang mga kasambahay at waitress.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

(Mina Navarro)