WALA raw panahong makipag-date o manligaw ngayon si Zanjoe Marudo dahil mas priority niya si Sam Milby na kasama niya sa pelikulang The Third Party.

group-hr-copy“As of now, wala, eh. Wala pa akong nakaka-date, busy kami dito sa movie. And focused ako kay Sam ngayon,” natawang sabi ni Zanjoe nang makapanayam namin pagkatapos ng Q and A ng kanilang presscon.

Sumakay naman itong si Samuel na sumagot ng, “Thanks, hon...” sabay tawa.

Bagamat si Angel Locsin ang title role ay kina Zanjoe at Sam natuon ang pansin ng lahat nang mapanood na ang trailer ng pelikula. Kasi nga bagay na bagay pala silang maging lovers. Sabi nga ng kanilang direktor na si Jason Paul Laxamana, ‘may chemistry sila, kaya nag-i-enjoy akong panoorin sila.”

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Pero hindi na talaga mapagdududahan ang sekswalidad nina Zanjoe at Sam sa kawalan nila ng hesitations na gampanan ang gay role at kita pa rin namang brusko sila.

Pero tinanong namin si Zanjoe tungkol sa biruan nila ni Angel sa Twitter na pareho silang single ngayon at tila may pinag-uusapan na hindi namin na masundan.

“Biruan lang ‘yun,”sabi ng aktor sabay iwas.

At nang balingan namin si Angel kung may spark ba siyang naramdaman kay Zanjoe...

“Hmmm, okay lang naman kami, magkaibigan, wala pa naman. Okay ako, Ate Reggs, hindi ako nag-i-entertain ngayon ng anuman.”

Samantala, tinanong si Zanjoe kung nangyari na sa kanya ang kuwento ng the The Third Party na ipinagpalit siya sa kabaro rin ng karelasyon.

“Wala naman,” sagot niya.

Kung halimbawang malaman niyang ipinagpalit siya sa kapwa babae ng girlfriend?

“Kung anuman ang ipalit, kung sinuman ang ipalit at kung tapos na kayo, wala ka nang pakialam kasi tapos na, eh,” mabilis na tugon ng binata.

Marunong talagang magdala ng nararamdaman niya si Zanjoe dahil sa dalawang beses na naming na-witness na nahiwalay siya sa nakarelasyon niya ay hindi namin nabalitaang nawala sa sarili o na-depress siya. Sabi nga ng mga nakasama niya sa set ng Tubig at Langis, “Tahimik lang siya, nasa isang tabi lang.”

Mapapanood na ang The Third Party sa Oktubre 12 mula sa Star Cinema. –Reggee Bonoan