Ni JIMI ESCALA

Bea Alonzo
Bea Alonzo
SA mahigit sixteen years na sa showbiz, natutuhan na ni Bea Alonzo na pumili ng gagawing proyekto na logical o consistent sa kanyang career path. Hindi na siya basta-basta na lang tumatanggap ng project na ibinibigay sa kanya.

“Palagay ko naman kasi at this point in my career, eh, I am after with the quality now, kaya I really choose may projects well,” sey ni Bea.

Matagal-tagal na rin siyang nami-miss ng kanyang mga tagahanga na mapanood sa isang teleserye, pero hindi wala naman daw dapat ikabahala dahil hindi na matatagalan ang kanilang paghihintay.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Para kay Bea, worth waiting ang ginagawa niyang The Second Wife ngayon na malamang na ipalabas na ng ABS-CBN early next year.

“Okey lang naman, it’s the reality of it. I’d rather wait and make a good project kaysa naman gumawa nang gumawa ng mga proyekto na basta na lang masasabi na may ginagawa ka,” sey ng latest movie queen ng Philippine cinema.

“I only do projects that I’d like to do and that I really believe in,” banggit pa ni Bea.

Paniguradong sabi pa niya, anumang gagawin niyang proyekto sa ngayon ay sisiguraduhin muna niyang hindi niya pagsisihan sa bandang huli.

“Dapat kasi buong puso mo ang iaalay mo para hindi ka magiging unfair sa mga katrabaho mo. Kumbaga, when you accept a project dapat one hundred percent ang ibibigay mo,” lahad pa ng premyadong drama actress.

Isa si Bea Alonzo sa Kapamilya stars na palaban pagdating sa drama roles kung kaya marami-rami na rin siyang nominations at awards na natatanggap.

Kamakailan lang ay itinanghal na Pinakamahusay na Aktres si Bea ng Luna Awards. Siya rin ang pinarangalan bilang Most Influential Film Actress of the Year ng Eduk Circle.