PANGASINAN – Inaresto ang nasa priority target list ng mga tulak sa lalawigan, kasama ang kanyang live-in partner, sa buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Region 1 sa AB Fernandez Avenue, Barangay Pantal, Dagupan City, Pangasinan, nitong Miyerkules.

Sa ulat kay PDEA Director General Isidro S. Lapeña ni PDEA-1 Director Jeoffrey C. Tacio, kinilala ang 43-anyos na suspek na si Reynaldo Pugal, at kinakasama nitong si Criselda C. Arzadon, 47, kapwa ng Sitio Aling, Bgy. Pantal, Dagupan City.

Si Pugal ay tinagurian bilang pangunahing distributor ng shabu sa Dagupan City, kasabwat si Arzadon.

Magugunitang idineklara noong nakaraang linggo ng lokal na awtoridad bilang drug-free ang Bgy. Pantal. (Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito