Patay ang isang lalaking miyembro ng Batang City Jail (BCJ) makaraang makipagbarilan sa mga nagpapatrulyang pulis na sumita sa kanya habang umiihi siya sa sidewalk sa Sampaloc, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Posible umanong holdaper ang suspek, na nasa edad 20-25, balingkinitan, kayumanggi, nakasuot ng hooded jacket na black at violet, brown capri shorts, at may tattoo sa buong katawan.

Batay sa ulat ni SPO2 Charles John Duran, ng Manila Police District-Crimes Against Persons Investigation Section (MPD-CAPIS), nabatid na dakong 2:00 ng umaga nang mangyari ang insidente sa Concepcion Street, malapit sa kanto ng Laong-Laan sa Sampaloc.

Nagpapatrulya umano sa lugar sina PO1 Jhon Hover Ignacio at PO1 Jerson Nicolas nang mamataan ang suspek na umiihi sa sidewalk ng Laong-Laan Street, na mahigpit na ipinagbabawal sa City Ordinance #1054.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Sinita ng mga pulis ang suspek ngunit nang lalapitan na ito ay bigla umano itong bumunot ng baril at pinaputukan ang mga awtoridad bago nagtatakbo, kaya hinabol ng mga pulis at binaril sa Concepcion Street.

Narekober mula sa suspek ang isang .38 caliber revolver at isang sachet ng hinihinalang shabu. (Mary Ann Santiago)