NOW it can be told! Lilipad papuntang Broadway sa New York City sa Amerika ang Pinay West End star na si Rachelle Ann Go. Bahagi siya ng cast ng legendary musical na Miss Saigon ni Cameron Mackintosh na magbubukas sa Broadway sa March 2017.

Ito marahil ang pinakamalaking dahilan kung bakit hindi na matutuloy si Rachelle sa Divas: Live In Manila concert na pagsasamahan sana nila sa Araneta Coliseum sa November 11 ng iba pang mahuhusay na Pinay singers tulad nina Kyla, Yeng Contantino, KZ Tandingan at Angeline Quinto.

Sa pagpunta ni Rachelle sa Broadway, muli niyang gagampanan ang role na Gigi Van Tranh, isang hardened Saigon stripper sa Miss Saigon. Dahil sa role niya sa naturang musical play, pinarangalan siya bilang Best Supporting Actress in a musical sa 2015 What’s On Stage Awards sa London, England.

Makakasama ni Rachelle sa Broadway sina Jon Jon Briones bilang Engineer, Devin Ilaw bilang Thuy (isang Fil-Am mula sa New Jersey at gumanap na ring Thuy sa Toronto run ng Miss Saigon) at Eva Noblezada bilang Kim, na origihal na ginampanan ni Lea Salonga sa West End at Broadway at nagpanalo sa first Pinay Broadway star ng Laurence Olivier at Tony Awards bilang Best Actress in a musical.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Naging bahagi rin ang singer-actress sa 25th anniversary ng Miss Saigon sa London kung saan nag-duet sila ni Lea ng awiting The Movie In My Mind. Sa movie version ng award-winning musical na kinunan sa Prince Edward Theater, bahagi pa rin ang dating Viva star at kasalukuyan itong ipinalalabas sa big screen sa London at Amerika.

Kasalukuyan pa ring ginagampanan ni Rachelle ang role na Fantine sa longest-running musical na Les Miserables sa Queens Theater sa London. Si Rachelle rin ang gumanap na Fantine sa Manila run nito last March sa The T

heater at Solaire.

Sa ika-30 anniversay ng Les Miserables last year, isang pambihirang pagkakataon para kay Rachelle na makasama sa iisang entablado sina Patti LuPone (original Fantine) at Frances Ruffell (original Eponine) at ang original Jean Valjean na si Colm Wilkinson ang nagpakilala sa kanilang mash-up number ng I Dream A Dream at On My Own.

Ang broadwayworld.com ang nag-break ng balitang ito at ang tanging nasambit ni Rachelle sa kanyang official Twitter account: “I think I’m really going to BROADWAY!!!!!!!!!! Aaaaaah.”

Si Lea ang unang bumati sa social media kay Rachelle, sabi niya: “Hurray @gorachelleann at sumagot naman ng huli ng “Praise God!”

Congrats and good luck, Shin! (LITO MAÑAGO)