Umusad sa finals makaraan ang dalawang taon ang Mapua habang naantala ang pagpasok ng defending champion San Beda sa Final Four series kahapon sa NCAA Season 92 juniors basketball tournament sa MOA Arena.

Tinalo ng second seed Red Robins ang CSB- La Salle Greenhills Junior Blazers, 88-81, upang pormal na masikwat ang unang final slot, ngunit naudlot ang ratsada ng reigning seven-peat champion Red Cubs nang masilat ng Arellano University Braves, 89-84.

Tangan ng Red Robins at Red Cubs ang ‘twice-to-beat’ sa semifinal match.

Kinumpleto ng Braves ang came from behind win matapos iwanan ng Red Cubs sa unang tatlong quarter para makapuwersa ng winner- take- all match sa Martes.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Nakalamang ang Arellano sa 64-62 sa bungad ng fourth quarter matapos ang basket ni Abadeza pero nakabawi ang San Beda para sa 82-75 bentahe mula sa back-to-back three-pointer nina Evan Nelle at Edwin Nayve.

Subalit, humataw sa 14-2 run ang Arellano para maagaw ang panalo. (Marivic Awitan)