bea-at-gerald-copy-copy

KINUMPIRMA ng spy namin sa ABS-CBN na malapit kina Bea Alonzo at Gerald Anderson na nagkabalikan na nga ang dating magkasintahan.

Ayon sa aming source, na nakiusap na huwag namin siyang pangalanan, magdadalawang buwan na ang itinatagong relasyon ng dalawa.

Nagkabalikan na raw ang dalawa bago pa man pinagpistahan ang mga larawang kuha kina Bea at Gerald habang magkasamang nagbabakasyon sa isang beach sa Cebu.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Madalas ding namamataan na magkasama ang dalawang Kapamilya stars. Kamakailan, nakunan sila habang sabay na nagwo-workout sa isang gym sa Bonifacio Global City.

“Madalas silang mag-gym du’n at hatid-sundo pa si Bea ni Gerald sa bahay,” sey pa ng source.

Sa isang interbyu hindi naman itinanggi ni Bea na madalas silang nagkikita’t lumalabas ni Gerald.

“Hindi naman namin itinago na lumalabas kami ni Gerald. We go out naman, magkaibigan kami. Wala namang masama roon.

Parang wala naman kaming nasasaktan,” banggit pa ni Bea.

May nabanggit din si Bea sa naturang interbyu na kung mayroon mang dapat aminin ay hindi siya ang dapat tanungin.

Ibig sabihin, si Gerald.

Pero ayon sa source namin, tila may usapan ang dalawa na wala munang aamin. Agree kami sa sinabi ng source na hintayin na lang nating kusang magsalita si Gerald tungkol isyung ito. Sabi nga ni Bossing Dindo, ang kaligayahan, tulad din ng katotohanan at iba pang magagandang bagay sa buhay, ay mahirap itago.

Di ba naman?! (JIMI ESCALA)