CAMILING, Tarlac - Isang hindi kilalang lalaki na sinasabing nilamon ng rumaragasang alon sa Camiling River ang natagpuang nakalutang sa Barangay Cacamilingan Norte sa bayang ito, Sabado ng hapon.

Sa ulat ni PO2 Jonathan Juanica, ang biktima ay nakasuot ng puting T-shirt, asul na short pants, nasa edad 45-55 at may taas na 5’2”.

Ang bangkay ng lalaki ay nakalagak ngayon sa Engkantadia Funeral Service sa Camiling. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog