kris-at-charo-copy

MARAMI ang nagulat sa desisyon ni Kris Aquino na lisanin ang ABS-CBN at mag-ober da bakot sa GMA-7. To think nga naman na sa loob ng halos dalawampung taon niyang pagtatrabaho sa Kapamilya Network, parang easy lang sa kanya ang paglipat? 

Sa panayam ni Ricky Lo kay Ms. Charo Santos, ang Kapamilya chief content officer at dating presidente ng Dos, sinabi ng dating boss ni Kris na wala siyang galit sa paglayas sa kanila ng Queen of All Media. 

Nauunawaan ni Charo ang desisyon ni Kris.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“I wished her all the best and thanked her for all the years that she has worked for ABS-CBN and I acknowledged that she has given so much relief and happiness, and delighted our viewers,” pahayag ni Charo sa naturang panayam.

“Kahit na sino ang mag-decide umalis -- like Aga (Muhlach), Sharon (Cuneta) and Willie (Revillame) -- wala akong pagdaramdam, kasi importante kung saan sila masaya,” sabi pa niya.

Ani Ma’am Charo, gaya ng iba, welcome din sa kanya ang lahat ng nagbabalik-Kapamilya.

“Of course, the doors of ABS-CBN are always open to people who want to work with us again. But you wait for the stars to align for it to happen. It’s not the decision of just one person. And, yes, Kris is welcome back anytime,” mapang-unawang sabi ng nananatiling top gun ng ABS-CBN. (ADOR SALUTA)