kris-copy-copy

MAY nagtanong na non-showbiz friend sa amin kung kailan daw magsisimulang mag-taping si Kris Aquino para sa bago niyang programa sa GMA-7 na sinagot namin ng, ‘no idea’ dahil wala naman talaga kaming alam at hindi rin namin nakakausap ang Queen of All Media simula nu’ng nabalitang wala na siya sa ABS-CBN. Para makapag-update, nagkakasya na lang kami sa mga impormasyong ipino-post niya sa kanyang Instagram account.

Ang tsika sa amin ng non-showbiz friend namin na mukhang may inside information, “Supposedly nag-taping na siya para sa talk show niya, pero hindi natuloy.”

‘Talk show?’ balik-tanong namin sa kaibigan namin.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

“Yes, talk show ang gagawin ni Kris sa GMA, pre-programming ng Eat Bulaga, kasi Mr. T (Tuviera) naman has the option kung before or after Eat Bulaga. But I think, it’s before EB.”

Balik-tanong namin, ano kung ganoon ang makakatapat ng programa ni Kris sa ABS-CBN?

“’Yung show yata nina Erich (Gonzales) at Daniel (Matsunaga), Be My Lady ba ‘yun?”

Sa madaling salita, hindi totoo ang tsikang tatapatan ni Kris ang programang Magandang Buhay nina Karla Estrada, Melai Cantiveros at Jolina Magdangal na dating timeslot ng KrisTV.

Nabanggit din sa amin na, “Dapat magsimula nang mag-taping si Kris kasi hanggang December na lang ang kontrata ng APT (Entertainment) sa GMA, so paano ‘yun, one season lang ang talk show niya?”

Pero ayon pa sa kausap namin, tiyak namang ire-renew ng GMA ang APT Entertainment.

Nabanggit din na si Kris ang leading lady ni Vic Sotto sa pelikulang entry nito sa Metro Manila Film Festival 2016.

Samantala, marami rin ang followers ni Kris na nagtatanungan kung ano ang ibig sabihin ng mga post ni Kris sa IG.

“Life Lessons.”

“If it doesn’t open, it’s not your door.”

“Never explain yourself. Your friends don’t need it and your enemies won’t believe it.”

At isang Bible verse na, “I embrace in faith all your lost & broken pieces will find their way back, and you’ll be ready to be braver, wiser, stronger.” (REGGEE BONOAN)