Hindi na umabot pa sa ospital ang isang lalaki matapos masagasaan at takbuhan ng motorista sa ilalim ng flyover sa Makati City, kahapon ng madaling araw.

Patuloy na inaalam ng awtoridad ang pagkakakilanlan ng biktima na nagtamo ng matinding pinsala sa ulo at katawan.

Sa inisyal na ulat na natanggap ni Makati City Police chief Sr. Supt. Rommil Mitra, dakong 4:41 ng madaling araw natagpuang nakahandusay at wala nang buhay ang biktima sa South Super Highway sa ilalim ng Magallanes flyover.

Sinusuri na ng awtoridad ang closed-circuit television (CCTV) camera sa lugar upang matukoy ang sasakyang nakasagasa sa biktima.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ayon kay Mitra sa oras na matunton ang sasakyan, agad makikipag-ugnayan ang pulisya sa Land Transportation Office upang mapanagot ang drayber.

Nagsasagawa na ng follow-up operation sa insidente. (Bella Gamotea)