james-copy

SUPER hataw sa ratings ang bagong serye nina James Reid at Nadine Lustre. Kaya tuwang-tuwa ang staff and cast ng Till I Met You. 

Dahil hit uli ang serye nila, inaasahan na ng fans at ng mga taong malalapit kay James Reid na lalo pa siyang magiging busy sa mga kaliwa’t kanang appointments. 

Pero ayon sa taong nakausap namin na malapit kay James, tinanggihan ng aktor ang mga raket na ibinigay sa kanya. 

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“Sa totoo lang, ilang raket na ang inayawan niyan. May mga special appearance na babayaran siya ng higit pa sa talent fee niya at pati na ‘yung mga guestings sa mga shows at iba pa, eh, ayaw niyang tanggapin,” sey ng aming source.

Ang katwiran ni James, ayaw niyang magkapatung-patong ang mga gagawin niya. Mas gusto raw ng actor na pagbuhusan ng atensiyon ang serye nila ni Nadine. Umiiwas si James sa trabaho na ngaragan talaga. 

Dagdag pa ng kausap namin, baka madamay daw ang gagawin nilang pelikula ni Nadine. Hindi raw kasi pabor ang actor na pagsabayin ang shooting ng pelikula nila sa taping naman ng serye.

Banggit pa ng source, ibang-iba si James sa mga kapwa young actor na sikat din. Dahil mainit at sikat, tanggap lang nang tanggap ang mga ito ng karaketan. Dahil si James, pati na ang isang raket agaran siyang kikita ng milyon ay agad-agad na tinanggihan.

Binanggit din ng source namin na dahil sa sunud-sunod na taping at dagdag pa ‘yung mga natanguhan nang provincial concerts, humihingi ngayon ng isang buwang bakasyon si James.

Pero wala raw namang dapat alalahanin ang mga tagahanga ni James Reid, gusto lang daw talaga ng Viva star na makapagpahinga. (JIMI ESCALA)