Tatlo pang lugar sa Northern Luzon ang nasa signal No. 1 dahil sa bagyong ‘Gener’ na papalapit na sa Northern Taiwan.

Ang lugar ng Batanes, Northern Cagayan at Babuyan Group of Islands ay kabilang sa naturang babala ng bagyo.

Huling namataan si ‘Gener’ na may international name na ‘Malakas’ sa layong 245 kilometro silangan ng Basco, Batanes.

Aabot pa rin sa 150 ang lakas ng hangin nito malapit sa gitna, at bugsong hanggang 185 kilometro bawat oras.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Inaasahang kikilos ito pa-hilagang kanluran sa bilis na 24 kilometro kada oras.

Bukas ng umaga, inaasahan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na ito ay nasa labas na ng Philippine area of responsibility (PAR), o nasa layong 710 kilometro sa hilaga ng Basco, Batanes. (Rommel P. Tabbad)