HINDI lang pala sa mundo ng Encantadia natatapos ang pagiging mag-ama nina Glaiza de Castro at John Arcilla.
Katunayan, hindi pinalamapas ni Glaiza ang pagpapakita ng kanyang full support kay John nang panoorin niya ang huling gabi ng musical play ni John na Dirty Old Musical.
Sa kanyang Instagram account, ibinida ni Glaiza na isang “proud Hathoria moment” ang mapanood ang aktor.
Kasama niyang nanood ng Dirty Old Musical ang kanilang direktor sa Encantadia na si Mark Reyes at lighting designer na si Dennis Marasigan.