Napasugod ang mga tauhan ng Explosives Ordinance Division (EOD) at Special Weapons and Tactics (SWAT) ng Pasay City Police nang mapagkamalang may lamang bomba ang isang itim na plastic container na inabandona sa gilid ng kalsada sa Pasay City, kahapon ng madaling araw.

Laking gulat ng awtoridad nang bumulaga ang bangkay ng isang hindi kilalang lalaki, nasa hustong gulang, nakasuot ng asul na t-shirt, berdeng shorts, tadtad ng tattoo sa katawan at binalot ng masking tape ang mukha.

Base sa inisyal na imbestigasyon, dakong 5:30 ng madaling araw nakatanggap ng tawag ang Pasay City Police kaugnay sa nadiskubreng plastic container sa isang bangketa sa Macapagal Avenue.

Pagdating ng EOD at SWAT team sa lugar, agad kinordonan ang lugar para sa kaligtasan ng publiko, partikular na ang mga dumaraang motorista.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Bagamat negatibo sa anumang uri ng pampasabog, bangkay ng lalaki ang tumambad sa kanilang harapan.

Binubusisi naman ang closed-circuit television (CCTV) camera sa lugar upang matukoy ang pagkakakilanlan ng nagtapon sa bangkay. (Bella Gamotea)