WASHINGTON (AP) – Ipinaliwanag ni Hillary Clinton na nahilo lamang siya at hindi nawalan ng malay nang muntikan na siyang mabuwal habang paalis sa 9/11 memorial noong Linggo.

Sinabi ng Democratic presidential candidate sa panayam ng “Anderson Cooper 360” ng CNN na na hilo siya at nawalan ng balanse habang hinihintay ang motorcade. Ngunit agad na bumuti ang kanyang pakiramdam nang makapasok sa air-conditioned niyang sasakyan.

Ayon sa kanya hindi niya kaagad ibinunyag na nasuri siya na mayroong pneumonia dahil “[I] just didn’t think it was going to be that big a deal.”

Sinabi ni Clinton na pinayuhan siya ng kanyang mga doctor na magpahinga ng limang araw, ngunit nagpasaway siya at hindi sinunod ang “wise advice” ng mga ito.

Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline