[caption id="attachment_194283" align="aligncenter" width="300"]?

TAYABAS CITY, Quezon – Inaresto ang hipag at pamangking babae ni dating Agriculture Secretary Proceso Alcala makaraang makumpiskahan ng nasa 115 gramo ng hinihinalang shabu sa buy-bust operation ng Quezon Provincial Intelligence Branch, Anti-Illegal Drug Special Operation Task Group (AIDSOTG), at Tayabas Police sa Leveriza Subdivision, Barangay Isabang, sa lungsod na ito nitong Linggo ng gabi.

Kinilala ni Quezon Police Provincial Office director Senior Supt. Antonio Yarra ang mga nadakip na sina Maria Fe Abutin Alcala at anak nitong si Toni Ann Alcala. Ang mga naaresto ay asawa at anak ng sinasabing “drug king” ng Quezon na si Cerilo “Athel” Alcala, kapatid nina dating Agriculture Secretary Alcala at Quezon 2nd District Rep. Vicente Alcala.

Ayon kay Yarra, sa operasyong ikinasa dakong 9:50 ng gabi, nakakumpiska ang pulisya ng 24 na selyadong transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, tinatayang tumitimbang ng 115 gramo, at nagkakahalaga ng P212,750. Nasamsam din sa mag-ina ang P10,000 marked money, P6,100 cash at iba’t ibang drug paraphernalia.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: Ilang bayan sa Pinas na maagang nagbukas ng kanilang Christmas village!

Si Toni Ann ay kabilang sa high-value target sa droga ng Quezon Police Provincial Office, gaya ng kanyang amang si Athel at kapatid na si Sajhid na kapwa naunang sumuko sa Lucena City Police.

Nagsasagawa pa ng follow-up buy bust ang pulisya kaugnay ng kasong ito.