Ilang bansa pa ang nakalinya para puntahan ni Pangulong Rodrigo Duterte bago magtapos ang taong kasalukuyan.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, ang susunod na foreign visit ng Pangulo ngayong buwan ay posibleng sa Vietnam o Thailand.

Tutulak din sa Brunei ang Pangulo matapos makansela ang kanyang naka-eskedyul na pagbisita noong maganap ang Davao blast.

“Within the month, I believe there are two more countries that will be visited by the President,” ani Andanar.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Bukod sa introductory tour nito sa Asya, inaasahan ding dadalo ang Pangulo sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) leaders’ summit sa Peru sa darating na Nobyembre. - Genalyn Kabiling