kathryn-at-daniel-copyGOOD news sa fans nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang ibinigay na PG rating ng Movie and Television Review and Classification Board sa pelikula nilang Barcelona: A Love Untold. 

Ibinalita ang tungkol dito ni Mico del Rosario, advertising-promotion head ng Star Cinema, “Update: Barcelona has been rated PG by the MTRCB! It is definitely a family movie event!”

With the PG rating, siguradong pami-pamilya ang manonood sa Star Cinema movie na magsisimula nang ipalabas sa Miyekules (September 14). Mula ito sa direction ni Olivia Lamasan at bukod sa mas matured na KathNiel love team, magpapakita rin sa kagandahan ng Barcelona. –Nitz Miralles

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas