Ni REGGEE BONOAN

ILANG tulog na lang at matatapos na ang teleseryeng Born For You nina Janella Salvador at Elmo Magalona kaya sa set visit noong Biyernes ay tinanong sila kung ano ang mami-miss nila sa isa’t isa.

“Wala naman akong mami-miss kay Janella kasi magkakasama pa naman kami sa mga shows,” kaswal na sagot ni Elmo pero idinugtong na, “’Yung love niya for food, kaya parating may masarap na pagkain sa set. Iba ‘yung pag-ibig niya for food.”

Inamin din ni Elmo na sa apat na buwan nilang pagsasama ni Janella ay lumalim ang pagkakaibigan nila.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Deeper na talaga ‘yung friendship namin, ibang level na,” salo kaagad ng young actress.

Kuwento pa ng ElNella, parehong gusto ng magulang nila ang isa’t isa.

Kuwento ni Elmo, gustung-gusto ng Mommy Pia Magalona niya si Janella. 

Naikuwentong dumalaw ang mag-inang Janella at Jenine Desiderio kasama ang ilang kaibigan sa bahay nina Elmo na may dalang pizza, gesture na nagustuhan ng mommy ng aktor.

Hirit ni Janella, gusto rin ng mommy niya si Elmo.

Kung walang girlfriend si Elmo, may posibilidad ba na ma-develop siya kay Janella?

“Sa tingin ko naman, kahit sino, maa-attract sa personality ni Janella. Kasi talagang very attractive si Janella, her personality is attractive,” sagot ng binata.

Charming at very nice guy naman ang paglalarawan ni Janella kay Elmo.

“If the circumstances are right...” sagot ng aktres nang tanungin kung puwedeng maging ‘sila’.

“Siyempre, we all know that Janella is only 18 and siyempre, close na nga kami and alam kong focused siya sa work niya,” sabi ni Elmo.

Kaabang-abang ang pagtatapos ng Born For You dahil magkakaroon ng live finale concert sa Kia Theater sa Biyernes, Setyembre 16 sa ganap na 8:00 ng gabi.

At ang duet ng ElNella na Born For You ay kasalukuyang number one ngayon sa Spotify.