Mayor Herbert copy

PATI pala ang mga walang kinalamang mga anak ni Quezon City Mayor Herbert Bautista ay nabu-bully sa pinapasukang eskuwelahan. Ito ay may kinalaman sa ipinipilit na pag-ugnay sa pangalan ni Mayor Bistek sa ipinagbabawal na gamot. 

Sa totoo lang, dapat lang na gumawa na ng aksiyon ang sinumang dapat makialam hinggil dito. At dapat na rin namang tigilan ang paintrigang pagbibintang dahil dumaranas ng trial by publicity si Mayor HB. 

Ayon sa isang congressman na nakausap namin, nakikita raw naman niyang “politically motivated” ang pagdidikdik kay Mayor Bistek sa isyu sa droga. Kaya tama lang daw na naglabas si Herbert ng official statement.

Human-Interest

Mag-asawang hindi nakapagtapos ng pag-aaral, pinagtapos naman ang 9 na anak!

“I am not and will never involve myself in the illegal drug trade. Anti-durg is my advocacy since I was 17 years old,” pahayag ni Mayor Bautista. 

Tungkol naman sa akusasyon sa kanya na binalewala at nagbulag-bulagan lang siya sa pagiging “user” ng kapatid niyang first termer councilor ng QC na si Hero Bautsita, ang kasagutan ni Mayor Herbert: “Forty-eight (48) years old na si Hero at may sarili na siyang pamilya. He is independent from us. We barely see or talk to each other because we, as individuals, have our own set of lives and concerns,” eksplika ng third termer Quezon City mayor. (JIMI ESCALA)