LA PAZ, Tarlac - Arestado ang isang security guard matapos mahuli sa aktong sumisinghot ng shabu sa Sitio Mait, Barangay San Isidro, kamakalawa ng hapon.

Sa ulat kay Chief Inspector Rocky De Guzman, hepe ng La Paz Police, kinilala ang inaresto na si Edward Meimban, 39, at residente sa nasabing barangay.

Narekober sa kanya ang isang transparent plastic sachet na may hinihinalang shabu, at drug paraphernalia. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog