Inilagay na sa heightened alert ang buong puwersa ng Philippine Coast Guard (PCG) upang matiyak ang seguridad sa mga baybayin at pantalan sa bansa.

Ayon kay Commander Armand Balilo, tagapagsalita ng PCG, mula nang ianunsyo ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang opensiba laban sa Abu Sayyaf Group (ASG), sinimulan nang ialerto ang buong puwersa ng PCG kung saan inatasan ang lahat ng security personnel na maging alerto.

Iniutos ni PCG Commandant Rear Admiral Melad ang Coast Guard Anti-Terrorism Unit, K9 at Law Enforcement teams na magsagawa ng strict monitoring sa lahat ng mga pantalan sa bansa. (Beth Camia)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter