YUGOSLAVIA-KOSOVO-GURKAS

Gusto na ni Pangulong Rodrigo Duterte na kumuha ng mga Gurkha, Nepalese fighters, upang ipantapat sa Abu Sayyaf Group (ASG).

Ang ideya ay inilutang umano ng Pangulo nang makaharap nito ang Cabinet security cluster sa Davao City kamakailan.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“If I have to hire the Gurkhas to help us fight the Abu Sayyaf, I am willing to do it. These people are like germs which must be eliminated,” ayon umano kay Duterte, pagbanggit naman ni Agriculture Secretary Emmanuel Piñol.

Ang Gurkhas, na nakilala sa kanilang motto na ‘Better to die than be a coward’, ay bahagi ng British Army, kung saan kinikilala ang mga ito bilang ‘most skilled’ at ‘fiercest fighters’ sa buong mundo.

Genalyn Kabiling