HAVANA (AP) – Anim na buwan matapos magdeklara si President Raul Castro ng digmaan laban sa Zika virus sa Cuba, tila epektibo ang pambansang kampanya nito ng puspusang mosquito spraying, monitoring at quarantine.

Kabilang ang Cuba sa iilang bansa sa Western Hemisphere na napigilan ang pagkalat ng sakit na sinisisi sa birth defects sa libu-libong bata. Tatlong tao lamang ang nahawaan ng Zika sa Cuba. Tatlumpo ang nasuri na kinapitan ng virus na nakuha nila sa labas ng isla, ayon sa mga opisyal ng Cuba.

Sinabi ng international medical experts na pamilyar sa Cuba na pwedeng matuto ang ibang bansa sa matinding determinasyon ng Cuba na mapigilan ang pagkalat ng sakit. Pinupuksa ng gobyerno ang populasyon ng lamok sa pag-spray sa halos lahat ng pamayanan sa Cuba nitong tagsibol.

“Cuba’s response has been strong and effective,” sabi ni Dr. Cristian Morales, kinatawan ng World Health Organization sa Cuba. “It has to do with the capacity to organize the population. Applying it to other countries, other contexts, would be extremely difficult.”

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Nagdadaos ang Cuban government ng mga regular na video conference sa matataas na opisyal ng kalusugan, opisyal ng militar, opisyal ng Communist Party at sanitation at water experts sa Havana at sa 14 na probinsiya. Isinama sa kampanya maging ang mga estudyante sa elementary at middle-school. May mga grupo ng kabataan na kumakatok sa bawat bahay upang suriin ang mga baradong tubig na pinamumugaran ng lamok at namamahagi ng impormasyon tungkol sa Zika.