Kung si Pangulong Rodrigo Duterte ang tatanungin, hindi welcome sa Pilipinas si comedian at television host Steve Harvey.

Dahil sa inis sa pagkakamali ni Harvey sa Miss Universe 2015, kung saan itinanghal na Miss U si Pia Wurtzbach, naghahanap ang Pangulo ng host na papalit kay Harvey sa idaraos na beauty pageant sa bansa sa susunod na taon.

Ang pag-ayaw ng Pangulo kay Harvey ay inihayag ni Tourism Secretary Wanda Corazon Teo.

“When I told the President about that, negative agad ang sabi niya: ‘Hindi pwede.’ That was what he said. And he said: I’m going to talk to the Miss Universe because I don’t want him to be the host of Miss Universe’ so that’s my problem,” ani Teo sa Palace press briefing.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ang Miss Universe ay idaraos sa Mall of Asia Arena sa January 30, 2017. (Genalyn Kabiling)