Sharon copy copy

MAY dahilan kaya talagang pinursige ni Sharon Cuneta ang pagbabawas ng timbang. Bukod sa gagawing Star Cinema movie, una na niyang pinaghahandaan ang kanyang first concert pagkalipas ng mahabang panahon.

Yes, Bossing DMB, may solo concert si Sharon sa The Theater ng Solaire Resort and Casino sa October 15 at 22 (parehong Sabado).

Kay Jinggay Kaimo (production head) ng Solaire namin nalaman na finally ay umoo na si Sharon sa offer nilang mag-show sa kanila.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Si Audie Gemora na part na rin ng Solaire ang matagal na ‘nanligaw’ sa Megastar.

Sabi ni Audie, “Alam mo bang 2014 ko pa nililigawan si Sharon, ngayon lang umoo? 

“Gusto raw muna niyang magpapayat para naman sexy siya ‘pag muli siyang mapanood, and totoo nga, imagine she lost 50 pounds already.”

Nu’ng nakausap namin last week sina Jinggay at Audie ay for pictorial pa lang daw si Sharon para sa promo ng show niya.

Ang musical director ng Sharon show ay si Louie Ocampo at stage director naman si Paolo Valenciano at ang special guest niya ay ang Team Sharon ng Voice Kids 3. (Reggee Bonoan)