Sa kabila ng pinaigting na kampanya ng Philippine National Police (PNP) kontra ilegal na droga, tila hindi pa rin natatakot ang ilang sangkot dito gaya na lamang ng 10 katao na naaresto matapos mahuli sa aktong sumisinghot ng shabu sa Taguig City nitong Martes ng hapon.

Kulungan ang bagsak nina Roldan Donato, Reynaldo Endico, Djay Clemen, Alberto Gozum, John Michael Malaygay, Arnold Clemen, Jede Pogoy, Cesar San Pedro, Jesus Reyes, at Ronald Canete.

Ayon kay PO2 Beverly Jaboli, ng Taguig City Police, dakong 3:15 ng hapon dinakip ang sampung suspek sa Accu Tech Steel and Service Center Inc. na nasa Arthro Drive Tbicai Barangay Bagumbayan.

Hindi na nagawa pang pumalag ng mga suspek na nabulaga sa pagdating ng mga pulis nang maabutan sa pagsinghot ng shabu.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Narekober sa mga suspek ang apat na pakete ng hinihinalang shabu, apat na aluminum foil, isang improvised plastic tooter at dalawang lighter. (Bella Gamotea)