Agosto 30, 1963 nang maikabit ang 24-hour hotline sa pagitan ng United States (US) at Soviet Union, sa layuning maiwasan ang kaguluhan at mapatibay ang komunikasyon ng pamahalaan ng dalawang nasabing bansa.

Itinayo ang Soviet teletypes sa Pentagon, habang ang American teletypes ay nasa Kremlin ng Soviet Union.

Ayon kay dating US Ambassador to the Soviet Union Jack Matlcok, ang hotline ay nagsilbing data line, mabilis na isinasalin ang mensahe. Inaalerto rin ng hotline ang mga mambabasa sakaling mayroong emergency. Taong 1967, ginamit ni dating US President Lyndon Johnson ang linya para sa Six Day War.

Hanggang ngayon ay gumagana pa rin ang nasabing hotline.

Silvanas, pasok sa ‘50 best cookies in the world’