Luis copy copy

WALANG nakakapigil kay Luis Manzano sa pagpatol sa bashers nila ni Jessy Mendiola at wala siyang pinalalampas, talagang sinasagot niya lahat ang bashers nila ng kanyang girlfriend.

May nag-comment ng “Eww” sa Instagram ni Jessy nang mag-post ng video ang aktres habang nagwu-workout. Si Luis ang sumagot at hindi ang dalaga.

Sabi ni Luis, “Partida ikaw pa nag-eeeew! Kita ko pics mo medyo mukhang second hand mo nabili braces mo, ha!?

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Sumagot ang basher ng, “Haha E, di wow” na muling sinagot ni Luis ng, “Ay kawawa, nagbura ng pics... Hahaha” at “neighbour, nagbura na ng pics hahahaha, nahiya sa alambreng second hand” at sinundan pa ng “Huy, ano nangyari sa yo???”

Sumagot ang basher na nakatulog siya kaya hindi agad nakasagot. Muling sumagot si Luis ng, “Hahahaha kawawa ka naman, di na naipaglaban ang alambre mong second hand. Nagbura ng lahat ng pics ‘tapos bakit ka nag-private! Eh, wala na pics, medyo bobs na.”

‘Katawa ang sumunod na comment ng basher na, “Wala naman akung maipaglaban, eh. Ang taas n’yo kasi” at “Kung makapanglait ka para kang ‘di lalaki.” Hindi na sumagot si Luis.

May isa namang nag-comment na dapat ay hindi na pinapatulan ni Luis ang bashers dahil sinasayang lang niya ang kanyang oras. “All because it’s now cool to ‘bash’ but uncool to fight back.”

May comment pa si Luis na, “bakit ko gagandahan trato sa bashers” at “ako mismo nagsasabi wala akong class”.

Tiyak na hindi ito ang last na pagpatol ni Luis sa bashers dahil siguradong na may mga kasunod pa lalo’t may fans na hindi pa rin matanggap na ipinagpalit ni Luis si Angel kay Jessy. (NITZ MIRALLES)