NADINE AT JAMES copy copy

SOBRANG saya ng mga tagahanga nina James Reidat Nadine Lustre sa grand screening ng Till I Meet Youna ginanap sa Trinoma Cinema 7 nu’ng Linggo ng gabi. Ipinakita nila sa lahat na hindi sila patatalo pagdating sa pagsuporta sa mga idolo nila.

Mula sa ginanap na JaDine World Day sa ASAP hanggang gabi ay walang pahinga ang magka-love team para sa promo ng Till I Met You na nagsisilbing pagbabalik nila sa primetime. Kaya pati ang milyun-milyong fans ng dalawa ay wala ring kapaguran sa panawagan sa social media lalo na sa Twitter.

Super bongga ang napanood naming premiere week ng Till I Meet You, mapangahas ang istorya pati na ang characterization ng tatlong bida, fresh na fresh sa mata ang location nito na kinunan sa Greece at siyempre overloaded sa kilig para sa lahat.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Proud na proud si James sa bago nilang serye ni Nadine.

“I’m really excited. I think it’s going to be better thanOn the Wings of Love. So I can’t wait. It’s the story and the characters. There’s so much more deeper, alive, it’s really fun watching the three characters Iris, Basti, and Ali.

“With this one I love the interaction between the three best friends. It’s different. Three characters that you can watch for months. They’re fun. I think this will be quite the same. It’s light at the beginning. My character is very fun,” lahad pa rin ni James.

Pero hindi lang ang mapangahas na bagong serye ang usap-usapan sa Trinoma nang gabing iyon kundi pati na ang katapangan ni James Reid na magpa-drug test sa anumang oras para patunayan na hindi siya kasali sa mga personalidad na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot. (JIMI ESCALA)