BALETE, Batangas - Patay ang kamag-anak ni Balete Mayor Joven Hidalgo matapos pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek sa harap ng asawa’t anak nito, noong Sabado ng gabi.

Dead on the spot si Sanistro Hidalgo, 46, dating caretaker sa sabungan at taga-Barangay Palsara.

Ayon sa report ni PO1 Jonathan Subol, dakong 8:50 ng gabi at nakahiga na ang biktima katabi ang asawa at anak na babae nang pasukin ng armadong lalaki at pagbabarilin.

Patuloy pang inaalam ng pulisya ang motibo sa krimen habang pinaghahanap pa ang suspek. (Lyka Manalo)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog