SARAH AT MATTEO LANG_please crop copy

SIMULA nang umamin sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo sa tunay na estado ng kanilang relasyon, sinusundan ng social media kung ano na nga ba ang bago sa kanilang buhay.

Marami ang nag-aabang kung ang kasunod na nito ang plano nilang pagpapakasal.

“Hindi pa naman,” sabi ni Matteo. “Siyempre pinagdadaanan ‘yan but, you know, we have to be realistic with ourselves.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Being realistic is very, very important. The day will come,kumbaga.”

Dinipensahan niya ang sarili ukol sa nababalitang wedding plans nila ni Sarah.

“May tsismis nga na buntis siya, eh. Hindi po, ma’am,” aniya at idinugtong na sila’y nasa edad 26, 28, pa lamang ni Sarah. “The time will come, I guess.”

Hindi naman daw niya balak itago kung sakaling may plano na sila ni Sarah na magpakasal.

“Getting married is something very serious, di ba? It’s not a joke. It will come. I think we shouldn’t pressure ourselves or anything. It will come,” pahayag ng aktor.