ILOILO CITY – Hinihikayat ang mga miyembro ng tribu sa Panay Island na maging miyembro ng 3rd Infantry Division (3ID) ng Philippine Army.

Naglaan si Major General Harold N. Cabreros, 3ID commander, ng 10 porsiyentong quota para sa mga katutubo mula sa Panay Bukidnon o Ati (Aeta) para maging mga bagong sundalo ngayong taon.

Itinakda ngayong Sabado, Agosto 27, ang Armed Forces of the Philippines Service Aptitude Test (AFPSAT) sa Bacolod City. (Tara Yap)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito