MARIAN1 copy copy

ANG saya-saya ng press launch for the second year ng Sunday Pinasaya (SPS) na nagsimulang mapanood noong August 9, 2015. Natanong ang hosts na sina Ai Ai delas Alas, Marian Rivera, Wally Bayola, (wala si Alden Richards na may taping ng Encantadia at si Jose Manalo na maysakit kaya hindi rin nakapag-report sa Eat Bulaga earlier that day, last Wednesday), kung in-expect ba nilang makarating sila sa first anniversary, to think na lahat daw ng mga noontime show na ginawa at itinapat sa kabilang network ay hindi naman naging successful na talunin sila sa rating. 

Lagi kasing wagi ang SPS every Sunday at napili pa silang Best Variety/Game Show of the Year ng PEP List 3.

“Hindi namin in-expect iyon, dahil nang ilatag sa amin ni Tatay (Tony Tuviera) ang show, gusto lang niya, magpasaya kami ng mga manonood. Siguro, nakatulong sa amin iyong off-cam bonding namin at suporta sa isa’t isa habang nagsu-show. Madalas, kami-kami na ang nag-a-adlib pero nasasalo naman namin, iyon nga lang minsan nakakalimutan namin ang oras at madalas kaming mag-overtime,” sagot ni Ai Ai.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Magkakaroon ng special two Sunday anniversary presentation ang SPS sa September 4 and 11. Inaayos na rin ang bonus na Japan trip ng buong cast courtesy of Mr. Tony Tuviera.

After the presscon, sinagot ding lahat ni Marian ang mga tanong sa kanya, isa na rito ang unconfirmed tsika na papasok o may guesting sa show ni Kris Aquino, na si Mr. T na ang lead manager ngayon.

“Siyempre iwi-welcome namin siya,” sagot ni Marian. “Unang-una, ninang namin siya ni Dong (Dingdong Dantes) sa kasal.

Saka wala naman akong masasabi sa kanya dahil napaka-professional niya. Nang kumbidahin nga siya para mag-guest sa Yan Ang Morning, pumayag siya agad at nakita naman nating nag-enjoy siya sa show.”

Paano iyon, ang “kambal” (Ai Ai delas Alas) niya ay ayaw sumagot kung paano nito tatanggapin si Kris, if ever sa show? 

Gagawa ba siya ng paraan para magkaayos na nang tuluyan ang dalawa?

“Hindi naman dahil ayaw ng isang tao sa kaibigan mo, ayaw mo na rin. Ayaw kong makialam, mahirap na. Saka unang-una, wala pa naman kaming natatanggap na confirmation na papasok siya sa show.

Sa ngayon, hindi pa namin alam kung ano talaga ang pag-uusap between ninang Kris at ni Tatay.”

Samantala, nagpapalitan sila ni Angel Locsin ng posts sa Instagram, kaya may fans na nagsasabing close na raw sila ni Angel Locsin ngayon.

“Wala naman talaga kaming pinag-awayan ni Angel noon, bigla na lang lumabas ang issue na magkaaway na kami. Saka dapat hindi na pinapansin ang mga ganoong issue, mas maganda na magkakaibigan kayong lahat. 

Sayang nga nang i-launch ako as the new Avon ambassador, winelcome ako ng mga nauna sa akin pero wala si Angel dahil maysakit. Natawa nga ako dahil bakit ako ang bumati sa kanila, hindi ba naman iyon ang tama, kung sino ang bago, siyang babati sa mga dinatnan niya?”

Nabanggit namin kay Marian na nakakatuwa si Baby Zia, na noong 9th month birthday nito, nagsalita na ito at tinawag siyang “mom, mom” at nakunan nila iyon ni Dingdong ng video.

“Nakakaiyak pala iyong marinig mong tinatawag ka ng anak mo for the first time. Gusto ko na ngang umuwi kasi iniwanan ko siyang medyo may sinat, alaga ni Dong. Kasi nagsimula na ring lumabas ang ngipin niya, ganoon daw talaga, sinisinat ang baby.”

Ilan pa ang gusto niyang maging anak nila ni Dong?

“Gusto ko after ni Zia, baby boy naman, then baby girl at baby boy ulit. Siyempre, loko ko lang na twelve ang gusto kong maging anak, hindi ako biik. Kaya tama na iyong apat,” natatawang wika ni Marian at nagpaalam na sa mga kausap niya.

Earlier sa naturang interview, inamin ni Marian na hindi muna siya gagawa ng soap habang may ginagawa namang show si Dingdong. Nag-usap na raw silang mag-asawa na hindi nila iiwanan nang sabay si Zia dahil sa trabaho. 

Naikuwento rin niya na sa December, sila ang pupunta sa Spain para makita si Zia ng Papa Fran niya na araw-araw daw ay naka-Skype para makita ang apo. (NORA CALDERON)