LA PAZ, Tarlac - Aabot sa kalahating milyong pisong halaga ng itlog ang nasira at natangayan pa ng P20,000 cash ang isang pagawaan ng balut na biniktima umano ng sarili nitong technician sa Barangay Rizal, La Paz, Tarlac.

Ang nasabing balut factory ay pag-aari ni Kenneth Sicat, 29, may asawa, ng Bgy. San Isidro, habang ang suspek ay ang technician niyang si Benny Lumaybay, nasa hustong gulang, may asawa, ng Bgy. Mayondon, Los Banos, Laguna.

Batay sa police report, napag-alaman na itinago umano ng suspek ang maraming itlog sa storage para sa sarili umano nitong interes, subalit nasira lamang ang mga ito.

Maging ang kita sa factory ay tinangay din umano ni Lumaybay, na patuloy pang pinaghahanap ng mga awtoridad. (Leandro Alborote)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito