KRIS copy

NAKAUSAP ng isang source namin ang isang maimpluwensiyang executive ng ABS-CBN. Binanggit sa kanya ng naturang executive na maaari pa rin daw maagapan o mapanatili ang pagiging Kapamilya ni Kris Aquino.

May mahigpit na kautusan din daw ngayon ang top guns ng network na huwag maglabas ng anumang istorya na may kinalaman sa pagpapalit ng manager ni Kris.

Matatandaang kinumpirma na ni Kris sa Balita last Friday na nasa pangangalaga na siya ni Mr. Tony Tuviera, pero para sa management lang daw iyon ng career ng Queen of All Media. Hindi naman daw nangangahulugan na porke identified sa GMA-7 ang bagong lead manager ni Kris ay magiging Kapuso na rin siya.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nagpaparamdam si Kris sa social media. Limang araw na ang nakalilipas simula nang mag-post siya ng picture quote na, “Never miss a good chance to shut up” na may caption na “I can & I will… Let me shock you with my silence.”

Nalaman din namin sa aming source na kaya raw hindi naibalik kay Kris ang dati niyang time slot na okupado ngayon ng Magandang Buhay nina Karla Estrada, Jolina Magdangal at Melai Cantiveros dahil mas mataas daw ang rating nito kaysa pinalitang palabas, huh!

Pero tiyak na may aabangan daw ang lahat para sa isang malaking announcement hinggil sa pagpapalit ng manager ni Kris at kung magiging Kapamilya pa rin ba siya o tuluyan nang magiging Kapuso.