Rita muling nakapiling ang pamilya copy copy

MULING nagtagumpay ang teen housemates ng Pinoy Big Brother Lucky Season 7 sa kanilang second lucky task kaya nabigyan ng pagkakataon si Rita na makapiling ang kanyang pamilya.

Nagtulung-tulong ang lalaking housemates sa pagbuo ng bahay na kapareho ng bahay ni Rita dahil alam nilang miss na miss na nito ang kanyang pamilya.

Sa pangunguna ni Yong, ginabayan ng tatay ni Rita ang housemates para makumpleto ang pangalawang lucky task. Sa mga kuwento ni Tatay Danny kung paano niya itinaguyod sina Rita, mas naunawaan din ng boys ang tunay na kahulugan ng pamilya.

Silvanas, pasok sa ‘50 best cookies in the world’

Bukod sa pagkuha ng weekly budget, mas determinado ang boys na magtagumpay sa task para mapasaya ang bunso sa kanilang grupo.

Sa kahilingan ni Rita na magkaroon ng handang spaghetti, hotdog, at sopas sa kaarawan ng kapatid, binigyan din siya ng special task ni Kuya. Kahit nahirapan at pagod na si Rita, pinagtagumpayan niya ang hamon ni Kuya nang buong tapang at determinasyon sa tulong din ng ibang babaeng housemates.

Bago ang mga task noong nakaraang linggo, ipinakita ng housemates ang kanilang pagmamahal sa kani-kanilang pamilya nang magkuwento sila isa-isa. Sina Yong at Rita, na hindi gaanong nakagiginhawa sa buhay, ay hindi napigilang mapaiyak nang ibahagi ang kanilang pangarap na matulungan at maiahon ang kanilang pamilya sa hirap. Napaiyak din si Heaven nang balikan ang sakit na pinagdadaanan sa pagtuwang sa kanyang ina na lumalaban sa cancer.

Ang Pinoy Big Brother ay tinaguriang teleserye ng totoong buhay dahil sinasalamin nito ang bawat Pilipino sa pamamagitan ng makukulay na kuwento ng bawat housemate. Para subukin ang kanilang pagpapakatotoo, nagbibigay si Kuya ng iba’t ibang tasks o hamon na tiyak magpapatatag at magpapabuti sa kanila bilang indibidwal sa bandang huli at kapupulutan naman ng aral at inspirasyon ng mga manonood.

Napapanood ang Pinoy Big Brother Lucky Season 7 simula Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Born For You sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Napapanood din ang past episodes ng palabas sa iWanTV.com o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.