ethiopa copy

RIO DE JANEIRO (AFP) -- Nakamit ni Feyisa Lilesa ang silver medal sa men’s marathon – isa sa walong medalyang napagwagihan ng Ethiopia sa Rio Olympics.

Ngunit, walang hero’s welcome na naghihintay sa kanya, bagkus banta sa kanyang buhay.

Nanatili sa Brazil si Lilesa at hindi sumama sa delegasyon pabalik sa Ethiopia sa takot na parusahan dahil sa ipinakitang protesta sa kasalukuyang nagaganap na pangaabuso ng mga opisyal sa kanyang bansa.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Kinumpirma ng AFP na hindi kabilang si Lilesa sa Enthiopia’s Olympic team na dumating sa Addis Ababa airport.

Sinalubong ng Ethiopian sports officials ang mga atleta at pinarangalan subalit hindi nabanggit ang pangalan ni Lilesa. Tumanggi ang mga ito na sagutin ang mga tanong patungkol sa marathon silver medalist.

Sa marathon event nitong Linggo, iminuwetra ni Lilesa ang pakrus na mga bisig nang tumawid siya sa finish line sa likod ng kampeon na si Eliud Kipchoge ng Kenya. Ang naturang imahe ay simbolo ng kanyang protesta sa mapanikil na liderato sa kanyang bansa.

Inamin niyang hindi na siya babalik sa Ethiopia dahil sa takot. Ayon sa ulat, humihingi siya ng ‘political asylum’ sa America.