Kamatayan ang sinapit ng isa umanong tulak ng ilegal na droga matapos umanong manlaban sa mga pulis sa ikinasang buy-bust operation sa Pateros nitong Lunes ng gabi.

Ilang tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang naging sanhi ng agarang pagkamatay ni Quirino Calderon, alyas “Pediong”, 44, ng No.1061 P. Rosales Street, Barangay Sta. Ana.

Habang bumibili umano ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na poseur buyer, posible umanong nakaramdam ang suspek na alagad ng batas ang kanyang katransaksyon kaya bumunot ito ng baril at pinaputukan ang mga awtoridad.

Hindi na nagpatumpik-tumpik pa ang mga pulis hanggang sa mapuruhan ang suspek na naging sanhi ng pagkamatay nito.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

(Bella Gamotea)